Wheel Tire Pressure

Ang gulong na masyadong malambot ay hindi kakapit ng tama sa daan, at makakaramdam ka na parang mabigat na pagkabig ng iyong manibela.

Ang gulong na masyado namang matigas ay reresulta sa matagtag o matigas na ride, at ang pagkabig mo sa manibela ay masyado namang magaan o madali.

Ang gulong na masyadong malambot ay mapupudpod agad sa gilid, habang ang gulong na masyadong matigas ay mapupudpod agad sa gitna.

Dahil dito, napapaaga ang pagpalit ng iyong gulong kahit na pwede pa sanang gamitin kung sinundan lang ang Recommended Tire Pressure.

Kapag sinundan mo ang Recommended Tire Pressure, mas tatagal ang buhay ng iyong mga gulong, at mapapakinabangan mo ang buong kapit nito sa daan.

Paano nga ba sinusunod ang Recommended Tire Pressure?

Malalaman mo ang recommended Tire Pressure sa paghanap ng plaka nito sa gilid ng pintuan ng driver, o kaya'y nakasulat sa iyong Owner's Manual.

Kailan dapat magpabomba ng gulong? Hangga't maari, magpa check ng iyong Tire Pressure sa gasolinahan habang malamig pa ang mga gulong, gaya nang sa umaga kapag ika'y papasok pa lang sa opisina.

Karamihan ng mga gas station ay may tauhan para hindi mo na kailangan mismong bumaba at maglagay ng hangin. Pero kung nagkataon na ikaw ang kailangan mag mano ng tire pump, i-set mo lang ang recommended tire pressure, idikit ang hose sa pito, at hintayin ang bell ng pump na nag si signal na tama na ang iyong tire pressure.

Huwag nating kalimutan na kailangan din baguhin ang Tire Pressure kapag ika'y magsasakay ng maraming pasahero o kagamitan. Ang recommended Tire Pressure sa ganoong sitwasyon ay malalamin din sa iyong Owner's Manual.

Mahalagang alalhanin ito dahil ang gulong na hindi nadagdagan ng hangin bago magkarga ng maraming bagay o tao ay mahihirapang isuporta ang bigat ng sasakyan. Kapag pinatagal ang pagtakbo nito ay maaring sumabog ang gulong, o kaya'y madagdagan ang pudpod.

Other Features

Loading...