Iwasan po natin ang magpatugtog ng sobrang lakas na musika sa ating
sasakyan, lalo na habang ito'y tumatakbo sa daan.
Dapat nating malaman na ang pagpapatugtog ng loud music sa loob ng
sasakyan, pampasahero man ito o pribado, ay di lamang nakakaperwisyo, ito
rin ay delikado.
Kapag tayo ay nagpapatugtog ng malakas, ito ay nagdudulot ng ingay at
nakakaabala rin sa ibang tao. Ang atensyon natin ay nababaling sa musika at
hindi sa pagmamaneho natin. At kung tayo ay distracted, hindi tayo alerto
sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. Kapag ito ang nangyari, di lamang
ikaw ang madidisgrasya, pati na rin ang ibang motorista.
Kaya palaging tandaan, habang tayo ay nagmamaneho, lagi tayong alisto sa
ating paligid.